Hamon ng kahapon & Walang hanggang pasasalamat | Disaster poems by LGBT San Nicolas, Batangas, Philippines
Hamon Ng Kahapon
Tagalog
Ang pagbabaliktanaw, sa pagsabog mo mahal
Naming Bulkan, sa pusod ng Taal
Ilayo sa pangangib, laman ng aming mga dasal
Pamilyang inilikas, panginoon ang gumagabay
Mula sa trabaho, agarang umuwi
Pagkat di na igtas kung mananatili
Sa nakaambang panganib, wag nang mag atubili
Lilikas ako, lilikas tayo ypand wag nang masawi
Di pa man nakalalayo, sa bayang kong pinagmulan
Dama pa rin ang takot at pag-aalinlangan
Paano na kaya, naiwang tahanan
Gayundin ang lugar na patutuguhan
Sa bawat yanig, tugon ay kaba sa dibdib
May tahanan pa kaya kami sa aming pagbabalik
Buhay pa kaya si “Bantay”, kaibigan kong matalik
Na sa aking bawat pag-uwi, sumasalubong na may pananabik
Isang ala-ala ang sa amin ay tumatak
Takot, pangamba, at luhay pumapatak
Salamat sa mga taong may pusong busilak
Na kamiy inakap, inaruga na animoy kaanak
Di pa man nakakabangon, sa unang dagok
COVID naman ay umusbong, kaya Pinas at lugmok
Sinampal man ng trahedya, o inulin man ng pagsubok
Nanatiling matatag, sa COVID ay di basta matatakot
Di maitatanggi ng nakararami
Naibahagi naming tuwa at ngiti sa kanilang mga labi
Sa gitan ng uno, pag-asa ang nagwagi
Pagkatapos ng bulkan, COVID ay iwaksi…sigaw naming mga beki
Lokal na pamahalaan, di kami pinabatyaan
Sa paghahatid ng tulong, kamiy kusand loob na tumuwang
Pagpapalaganap ng impormasyon, sa aming mga nasasakupan
Hinggil sap ag-iingat sa ating kalusugan
Hindi madali ang dinanas ngayong Lockdown
Bumaba ang turismo, marami ay nahirapan
Madami ang nawalan ng pagkakakitaan
Pero do kami sumuko, bagkus at lumaban
Manatili sa bahay, iyon ang anunsyo
Pero maraming paraan, upang magkatrabaho
Online selling ay pumatok, lahat na lang ay inilako
Madapa man ang Batangueno, pero hinding hindi susuko
Kailan pa kaya, trahedyay pipihit
Di pa nakakaahon, Bagyoy, humagupit
Sa mga nangyari, sa diyos kamiy lumapit
Dama naming ang alaga at akap niyang anong higpit
Pagputok ng bulkan, COVID, maging ang bagyo
Kamiy natutong makipag kapwa tao
Sa tulong ng Diyos at ng ating Gobyerno
Walang problema sa atiy magpapasuko
Kayat LGBT San Nicolas, ay wagas ang saya
Dahil sa tulong at suporta na sadyang aming natatamasa
Kayat patuloy na nagiging matatag at may pagkakaisa
Walang sasayanging pagkakataon para sa ikauunlad ng bawat isa
Nadapa, nalugmok at muling bumangon
LGBT San Nicolas patuloy na aahon!
English
Reminiscing about the day of your eruption
Our beloved volcano, in the centre of Taal
Keep us away from danger, we pray hard
As our family evacuates, the Lord is our guide
Straight from work we went home
Because it’s not safe to stay anymore
Don’t think twice there is danger ahead
All of us will leave this place to escape from death
Only a few metres away from our town
We feel anxious and very frightened
What will happen to the home we left behind?
Where is that new place where we will be confined?
In every tremor from the ground our hearts skip a beat
When we return home, will our house be safe?
Will our beloved dog who always greets me with glee
Be able to survive our place without me
It is a memory that will be tattooed in our minds
Tears keep coming as we feel the fear inside
Thankful for the families with hearts of gold
Who took care of us as if we were their own
We have not even recovered yet from this first blow
When COVID came and bring the country sorrow
We were hit by tragedies and challenges rain
Yet we stayed resilient, unafraid with the virus
Many people are witness, they were able to see
We made them smile and kept them happy
In the middle of disaster, hope triumphs and wins
“After the Eruption, shoo COVID!” is the mantra of the Bekis
The local government never left us alone
In giving help to the locals we partnered with them
We helped them in disseminating information
How to care for their health, we shared with the people
The Lockdown posed a really big challenge
There’s no income from tourism so life became harder
Many of the locals lost their work
But we did not give up instead we strived more
Stay at home was the government’s order
But there are other ways to make life better
Online selling was a hit, almost everything we sold
Batanguenos may fall down but we never lose hope
Oh when will the tragedy end?
Not yet fully recovered when the typhoons came
In all of this, we just hold unto God
We feel his presence and his tight hug
After the volcano eruption, COVID and typhoons
We learned how to help and to better get along
With the help of the LGU and the guidance of the Lord
There is no problem that we cannot solve
That is why we members of LGBT San Nicolas
Are happy with all of the help given to us
We will remain strong, together as one
We won’t waste any chance to help each other out
We stumbled, we fell down but we rose again
LGBT San Nicolas will continue moving ahead!
Walang Hanggang Pasasalamat
Taong 2018, kami’y naanyayahan
Sa isang selebresyong, agad namin pinaunlakan
Kaya’t agad ay tinipon, bumou ng lupon
Na siyang mangangasiwa sa aming kasama sa nayon
Agad ay nag-usap sa kung ano ang ganap
Sa aming patutunguhang landas, na puno ng galak
Nagplano ng maayos, upang ito ay maidaos
Ang masayang partisipasyon, duon sa aming nayon
Hinamon man ng tadhana ang aming samahan
Itoy hindi naging dahilan upang kami ay maghiwalay
Bagkos nagging matatag at patuloy na lumaban
Na may baong pag-asa sa tagumapay ng pangkalahatan.
Hindi man po lingid sa inyong isipian
Aming samahan ay kulang sa maraming bagay
Una na dito ang pondo o kaperahan
Upang maisagawa aming gawain at mabuting adhikain
Sa pagpapatuloy, ng aming samahan
Kamiy nagsamasama na laging may ugnayan
Para sa bawat plano nami’y lahat ay naabisuhan
Upang partispasyon ng lahat ay lagging naoobserbahan
Sadyang kay buti ng poong may kapal
Sapagkat gumamit siya ng intrumentong aming mapakikinabanagan
Sa pagsasakatuaparan at pagpapalaganap ng aming mga munting hangad
Upang makatuwang sa aming mga adhikaing pang-pamayanan
Samahang nag-mula sa UP Diliman,na ang adhikain ay hawig ng aming samahan
Kung Kaya’t pinatagpo,upang makabuo
Ng Mga planong konkreto, na taong bayan ang siyang magkakabenepisyo
Kaligtasan, kasiyahan, gayundin ang protektahan ang bawat sector ng bayan
Kaalamang naibahagi sa amin ay hindi biro
Sapagkat magagamit sa aming paglago
Pagmamahal, pagmamalaskit sa kapaligiran ay inyong itinuro
Upang sa pagdating ng panahon kami’y di ganun kabigo
Di pa man ganun ang tagal ng aming pag-sasama
Ngunit napaklaki na ng epkto na di naming kayang itago
Magmula sa aming samahan, miyembro at katoto
Bigkas lagi naming, Salamat sa inyo
Aming dalangin, nawa ay magtagal,
o kaya naman ay walang hanggan
Ang ating nasimulan na pagsasamahan
Sa pagtulong sa kapawa ang siyang lagi nating gabay
Walang hanggang pasasalamat ang aming laging sambit
Sapagkat ganun na lang ang sa amin ay inyong naikabit
Kabutihang loob at pagmamalasakit
Hindi lang sa sarili gayundin sa nakararami